SANAYAN LANG ANG PAGPATAY
SANAYAN LANG ANG PAGPATAY
ni: Fr. Albert Alejo, SJ
( PARA SA SECTOR NATING PUMAPATAY NG TAO)
1. SINO ANG PERSONANG NAGSASALITA SA TULA? ANO ANG KANYANG SINASABI?
- Para sa akin, ang personang nagsasalita sa tula ay kabilang sa mga mamamatay tao. Sa tulang ito kanyang isinalaysay o sinasabi kung paano ba pumatay, at ito ay hinalintulad niya sa isang butiki na kung saan pinapatay nila ito ng walang kalaban laban. Pero may mga pagkakataon na parang may naririnig siyang bumubulong na bawal ang pagpatay.
2. ANONG HAYOP ANG PINAPASLANG SA TULA? PAANO ITO NATUTULAD SA PAGPASLANG SA TAO?
- Ang hayop na binanggit sa tula ay isang Butiki ito ay natutulad sa pagpaslang sa isang tao sa pamamagitan ng pagpapahirap at pagpaslangng walang kamalay malay at walang kalaban laban.
3. ANO ANG IBIG SABIHIN NG HULING TALUDTUD NG TULA?
- Ang ibig sabihin ng huling taludtod ng tula na " Habang ako'y pumapatay, kayo nama'y nanonood" ito ay sumasalamin sa ating diyos na kung saan siya lamang ang makakakita ng lahat ng ginagawa ng mga tao dito sa mundo, hindi man natin nakikita bilang tao, pero alam natin na siya ang may alam ng lahat.
4. KANINO INIAALAY NG MAY AKDA ANG TULA? SINO - SINO KAYA SILA?
- Ang tulang Sanayan lang ang Pagpatay ay isinulat para sa mga sekton na pumapatay ng mga taong walang kalaban laban, mga taong ang gusto lamang ay mamuhay ng mapayapa, ngunit may mga tao talagang walang puso, handang pumatay para lamang sa hinahangad na kapalit.
MUNGKAHING GAWIN
1. Magsaliksik tungkol sa particular na kaso ng pagpaslang sa panahon ng kasalukuyang administrasyon. Matapos ay gumawa ng maikling reaksyong papel hinggil sa kasong nasaliksik.
"OPLAN TOKHANG"
Sa mahabang panahon,pangunahing kanser ng ating lipunan ang ilegal na droga na hindi lang sumira ng buhay ng isang tao ngunit nagwasak sa maraming pamilya.
Sa pagpasok ng admi-nistrasyong Duterte, “battle cry” nito ang pagsugpo sa ilegal na droga ng tatlo hanggang anim na buwan. Nakapaloob sa programa ang “Oplan Tokhang” na unang ipinatupad niya sa lungsod ng Davao noong alkalde siya nito. Ipinatupad ang Oplan Tokhang noong Hulyo 2016. Nakapaloob sa programa ang pagtukoy ng mga opisyal ng barangay sa mga hinihinalang drug personalities sa kanilang nasasakupan.
Iginiit naman ng PNP na walang namatay sa aktuwal na “Tokhang” o pagkatok sa mga bahay ngunit ang mga napapaslang ay resulta ng hiwalay na ‘anti-drug operations’. Giit naman ng kaanak ng mga biktima, kapag kinatok ang isang drug suspek sa ilalim ng Tokhang, malaki ang posibilidad na ito ang susunod na mapapaslang.Ayon sa iba’t ibang grupong tumutuligsa sa Oplan Tokhang, higit sa 7,000 katao ang napaslang kabilang ang mga nakatok.Sa kabila ng mga batikos, pagkakaiba ng paniniwala, at pagkontra sa pamamaraan, patuloy namang sinusuportahan ng maraming Pilipino ang pagsugpo sa iligal na droga at pagpapanumbalik ng katiwasayan sa bansa.
4. Nakasusulat ng sariling akdang pampanitikang tumatalakay sa iba't-ibang isyu ukol sa karapatang pantao.
KARAPATANG PANTAO
Tayong mga tao ay may karapatan
Noong tayong isinilang, isinilang din ang ating karapatan.
Na malayang mabuhay
Dahil lahat tayo ay pantay-pantay
Mahirap man o mayaman
Tayo ay may karapatang mabuhay
Malayang makapagsalita, upang ipagtanggol ang karapatan
Hangad mo'y kalayaan at kapayapaan ay makakamtan.
5. Mapahalagahan ang dinamikong ugnayan ng panlipunang realidad at ng panitikan.
-Mapahalagahan ang dinamikong ugnayan ng panlipunang realidad at ng panitikan dahil ang panitikan ay isang gabay sa kasalukuyang realidad ng ating lipunan. Dahil ditto ating mataguyod ang wikang filipino dahil ito ay kaugnay sa realidad ng buhay at mga pangarap ng mamamayang Pilipino.