MELONNIE GRACE LAMPIOS


ISKWATER
Ni Luis G. Asuncion


1. ANO ANG SENTRAL NA PAKSA NG SANAYSAY?
- Ang sentral na paksa ng sanaysay na may pamagat na ISKWATER ay ang uri ng pamumuhay na mayroon sila sa iskwater, kung paano nila nilalabanan ang pang araw- araw na hirap ng buhay doon.


2. Mayroon bang paksa na di tuwirang tinalakay sa teksto? Magbigay ng halimbawa.
- Para sa akin merong di tuwirang paksa na tinalakay sa teksto," bakit ang mga mayayaman ay puwedeng tumira sa lugar ng mga mahihirap samantalang, ang mga mahihirap ay di kailanman makakatira sa lugar ng mayayaman" ito ang tekstong di tuwiran para sa akin sa kadahilanang hindi ito na ipaliwanag ng maayos ng awtor.

3. Ano ang layuning may akda sa pagtalakay sa paksa? Ipaliwanag
- Ang layunin ng may akda ay magbigay ng mensahe at iparating kung ano nga ba ang klase ng pamumuhay mayroon sa iskwater.

4. Ano-anong mga ideya ang sinasang-ayunan mo sa sanaysay? Bakit? Ano- ano naman ang mga hindi mo sinasang- ayunan? Bakit?
- Ang mga ideyang sinasang- ayunan ko ay "Pakikipaglaban na hindi dumanak ng dugo. Laban sa pamamagitan ng matiwasag na pag- uusap sa mga katungkulan" dahil mas pinili ng mga taong nakatira sa iskwater na pag usapan ng maayos, at hindi umabot sa paggamit ng dahas.

5. Paano ka nakakaugnay sa mga kaisipang nakalahad sa teksto? Ipaliwanag.
- Nakakaugnay ako sa teksto sa paraan na gagawin ko ang lahat ng hirap para mabuhay at lagpasan ang lahat ng hamon sa buhay, na kahit anong hirap pa ang maranasan natin sa buhay mas pipiliin kong lumaban dahil walang taong hindi dumadaan sa hirap bago makamit ang pangarap.

6. Gaano kahalaga ang pagtalakay ng sanaysay sa paglilinaw mo sa kahulugan ng iskwater? Ipaliwanag.
- Mahalaga ang pagtalakay sa sanaysay dahil marami ang mga taong hindi nakakaintindi kung ano nga ba ang kahulugan ng iskwater. Dahil karamihan sa atin pag narinig ang salitang iskwater isa sa mga iniisip natin ay mga kriminal, magnanakaw, pero sa tekstong ito mas naunawaan ko na hindi lahat ng tao sa iskwater ay masasama, 

7. . Paano maiuugnay ang teksto sa realidad ng lipunan sa kasalukuyan? Ipaliwanag.
- Sa kasalukuyang panahon lalong naghihirap ang mga nakatira sa iskwater walang makain, walang trabaho at walang sapat na tubig. Maiuugnay ko ito sa kasalukuyang panahon lalo na ngayong panahon ng pandemya, kung dati hirap na hirap na sila sa pang araw- araw, mas lalong hirap sa sila ngayon dahil nga sa pandemya, yung iba walang trabaho, walang makain. Dapat gawan ito ng aksyon ng gobyerno, upang mabigyan sila ng sapat na pagkain, maayos na bahay, at matinong trabaho para makaraos sila sa kanilang pang araw-araw.


CONCEPT MAP: 


Popular posts from this blog

SANAYAN LANG ANG PAGPATAY